ANG PAKAMATAY NG KAPITAN (Death of a Captain)
Ang isang buwang pagkaka-angkorahe sa isang puerto sa AFRICA ay sadya namang napakatagal. Mayroong giyera sa may kalayuan ngunit maririnig ang mga putukan na nagmumula doon. Wala kaming mga kargamentong mahalaga o mamahalin kaya’t hanggang ngayon ay di pa rin kami inaakyat ng mga pirata, pero napakataas ng aming espektasyon na ano mang oras ay pwede silang sumalakay. Walang sino mang nakakaalam kung hanggang kailan kami maghihintay papasok ng puerto. Ang buong tripulante ay halos di natutulog sa gabi sa kanilang maiinit na kabina para sa pagbabantay sa pag-atake ng mga pirata.
Isang araw umakyat si Kapitan sa fuente na may hawak na tali at sinabing:
-Magbibigti ako
-Sige Kapitan, ang tugon naman ng natatawang Segundo Opisyal, isang Filipino
Pero pagkaraan ng ilang oras nalaman ng lahat na di pala nagbibiro si Kapitan at tinutuo ang kanyang sinabi, dahil bigla na lamang nagtatakbo ang Filipino steward at nagsisigaw na:
-Nagbigti si Kapitan!!!, Nagbigti si Kapitan!!!
Nadatnan naming nakabitin siya sa kanyang banyo, pinilit naming tulungan siya at putulin ang tali sa kanyang leeg, ngunit huli na ang lahat dahil binawian na ng buhay si kapitan
-JESUS MARIA, ang nausal ng naiiyak na steward at tinanong kung ano ang aming gagawin
Bilang Primero Opisyal ako na ang namuno sa barko at sinabihan lahat ng kinauukulan tungkol sa nangyari, kabilang na rito ang pamilya ng Kapitan na nakatira sa Hamburg at naki-usap sila na kung maari ay ipadala ang bangkay sa kanila. Ako at ang nagmamay-ari ng barko ay naki-usap sa Ahente tungkol ditto. At pagkatapos ng limang araw ay nakatanggap ako ng sagot mula sa ahente na hindi niya kayang gawin ang aming gustong mangyari at sinabing:
-Mayroong giyera dito sa amin at napakaraming bangkay na nagkalat sa mga daan at hindi ko kayang kumuha ng espesyal na kabaong para sa inyong kapitan.
Ang bangkay ng kapitan ay naiwan na nakaratay sa kanyang mainit na kabina, di naman namin siya pwedeng ilagay sa provision room kasama ang mga pagkain.
Meron kaming maliit na refregirator ngunit di naman siya kasya doon.
Isang araw nagsabi sa akin ang Filipino cook na puputol-putulin na lang daw niya ang bangkay ni Kapitan upang sa ganon ay magkasya siya sa kanyang ref ngunit tumanggi ako at sinabing ; Kailangang manatiling buo si Kapitan
Ilang araw pa ang nakalipas ay nag-uumpisa ng mangamoy ang bangkay ng kapitan sa boong barko. Sa wakas, nagpadala na rin ang Hamburg ng pahintulot para sa isang
SEA FUNERAL.
Wala akong karanasan sa ganitong klaseng seremonya kaya’t tinawag ko si fitter at inutusang gumawa ng kabaong;
-Pero kapitan wala tayong sapat na gamit para gumawa ng ataul ang sagot niya.
Baka meron tayong tolda?- tanong ko
Sir, wala rin!
- magbaklas ka na lamang ng dingding sa mga bakanteng kabina at iyon ang gawin mong
ataul basta magkasya lamang si Kapitan-utos ko
-Yes Sir ang sagot naman niyang may ngiti
At pagkatapos ng dalawang araw natapos na ang ataul, binunot namin ang angkla at naglayag patungo sa gitna ng dagat.
-Pagkatapos ng maikling pag-aaral ng BIBLYA pumili ako ng isang birsikulo na siyang
nararapat sa ganitong sitwasyon
-Puno ng mabibigat na bakal at nababalutan ng bandilang Alemanya ang ataul, sa may main
deck sa pabor,habang ang mga tripulante naman ay naghihintay.
-Inumpisahan ko ang seremonya ng pagdadasal para sa aming Kapitan, binasa ko ang isang SALMO sa BIBLYA, at pagkatapos:
-I-arya ang kabaong!!!-utos ko. ( gaya ng paghuhulog sa angkla)
Ang kabaong ay bumagsak sa tubig at sa di inaasahan ay nawarak sa maliliit na piraso at ang Kapitan ay lumutang sa ibabaw ng dagat.
-HESUS MARIA ang sigaw ng steward at ang lahat ng trepulante ay nabigla
ALARM! BOAT DRILL! Sagipin natin ang Kapitan!- Ang sigaw ko.
Ang mga Filipino ay dali namang sumakay sa lifeboat at binaba ito sa dagat, kinuha nila si Kapitan sa pamamagitan ng boat hook at isinakay sa lifeboat. Iniangat naming muli ang lifeboat sa barko at ang Kapitan ay muli na namang nasa amin.
-Anong gagawin natin ngayon ? ang tanong sa akin ng Maestro amo.
-Hayaan nyo muna syang nakahiga d’yan at matuyo ang sagot ko namang natutuliro.
At bumalik kami sa angkorahe.
Hinayaan naming nakahiga ang labi ni Kapitan sa main deck,na madali naming natuyo sa sikat ng araw habang natatakpan ng puting tela at di naiisturbo,Ang mga Filipino ay naglalakad sa kabilang parte ng barko’t natatakot na baka bumangon muli at magmulto.
Sa sumunod na araw nag-isip ako ng mabuti kung papaano makakagawa ng kabaong, ng biglang kumatok ang fitter sa akin
-Kapitan meron akong naisip na magandang paraan kung papaano natin maiaayos ang bangkay ni Kapitan
-Fucking shit!! Gumawa ka na nga nang kabaong at sinabi kong lagyan ng mabibigat na bakal ang kanyang mga paa.
-Sir nilagyan ko kaya lang ay di ko naitali sa kanyang mga paa, pero ngayon Sir maganda na itong naisip ko.
-O’Sige ano yun?
-Kapitan, sa ikalawang bodega meron tayong isang malaking tubo na pwede kong biyakin at ilagay ang bangkay nI Kapitan doon.
Naisip ko naman na di masamang ideya.
-OK, pumapayag ako pero siguraduhin mo lang na ma we-welding mo ng maayos ang magkabilang dulo.
-Syempre naman Kapitan at bubutasan ko na rin para lumubog.
-Sige kumuha ka ng tao at gawin nyo na.
At kagaya ng una inulit naming ang seremonya.
-I-arya na ang tubo!! ,ang utos ko
Pero ang tubo’y di lumubog, dalawang oras namin na hinihintay ang paglubog nito…ang mga natatakot na Filipino ay nagwikang di lumulubog ang kapitan dahil lalangoy sya papuntang Hamburg.
At sa wakas, pinasok na rin ng tubig ang tubo at unti-unting lumubog ang Kapitan sa Atlantic Ocean
Malayo sa kanyang bayan at malapit sa di kanais-nais na bansa ng Africa.
Nangyayari minsan ang ganitong bagay sa gitna ng dagat…Dahil ito ang buhay ng isang MARINO.
CAPT. W. GRYCNER
ANG PAKAMATAY NG KAPITAN
OdpowiedzUsuń(Death of a Captain)
Śmierć Kapitana!